Kasintahan ni Lidia si Hector, ngunit pagkaraan ng ilang panahon,biglang nagbago ng pakikitungo si Lidia sa kasintahan. Maging sa pamaskong pagtitipong dinaluhan nila sa bahay ng kaibigang si Miling at sa pamamasyal nila sa pagdiriwang ng Naval sa Angeles, ipinahalata ni Lidia kay Hector ang panlalamig ng kanyang pag-ibig dito.
Isang hapon, ipinasya ni Hector na kausapin si Lidia sa kanilang pag-uwi galing sa simbahan. Ngunit sa halip na pagbuhatan ng kamay ang dalaga sa kanilang pagsasagutan, niyakap at hinagkan ni Hector sa publiko si Lidia na naging dahilan ng paghahabla ng mga magulang ng dalaga sa likha ng eskandalong ginawa ng binata.
Isang mahabang liham ng pag-ibig ang ipinadala ni Hector kay Lidia ngunit bago iyon nabasa ng dalaga, dinalaw siya ng nakakatakot na panaginip. Namatay daw si Hector. Kinabukasan ng umaga, natagpuan nga ang bangkay ni Hector sa isa nilang bakanteng bahay na nagsisilbing botika ng mga magulang ng binata. Isinumbat kay Lidia ng mga kababayan ang pagkamatay ni Hector.
Ang pagbabago pala sa pakikitungo ni Lidia sa kasintahan ay dahilan sa isang kaibigan ni Hector na humaharang ng mga liham ng dalaga para sa kasintahan. May lihim na pagtatangi kay Lidia ang kaibigan ni Hector. Siniraan nito si Hector na hindi ito tapat sa dalaga. Nalaman lamang ito ni Lidia nang patay na ang kasintahan.
Nakatagpo ni Lidia sa libingan ang taksil na kaibigan ni Hector. Nagawa ni Lidiang paluhurin ito sa harap ng puntod ng kasintahan at paghingiin ng tawad kay Hector.
I.Tauhan:
Lidia – iniibig ni Hector
Hector – kasintahan ni Lidia
II. Tagpuan:
Isang hapon, Kung saan palaging maraming tao . . . sa simbahan.
III. Banghay ng kuwento:
A.Suliranin
Nagbago na ang pakikitungo ni Lidia sa kanyang kasintahan. Nanlamig na ang kanilang relasyon.
B.Kasukdulan
Nagpakamatay si Hector. Hidi niya nakayanan ang kinahinatnan ng relasyon nila ni Lidia.
C.Kakalasan
Sinisira ng kaibigan ni Hector ang tiwala ni Lidia kay Hector, hinaharang niya ang lahat ng mga sulat ni Hector para kay Lidia. Dahil may lihim na pagtingin ang kaibigan ni Hector kay Lidia.
D. Wakas
Nalaman lamang ni Lidia ang katotohanan nang patay na ang kanyang pinakamamahal na kasintahang si Hector. Bilang ganti, ipinaluhod at pinahingi ng patawad ni Lidia ang kaibigan ni Hector sa mismong puntod ng kanyang kasintahan.
IV. Aral
Kung mahala mo ang isang tao ay dapat mo siyang pagkatiwalaan at siguraduhin natin na ang ating mga kaibigan ay tapat at makapagkakatiwalaan. Baka kasi ito ang maging dahilan ng pagkasira ng iyong buhay.
V. Bisang Pangka-isipan
Matapos basahin ang kuwentong ito, pumasok sa aking isipang kung gaano kahalaga ang salitang “tiwala” sa isang relasyon. Hindi sapat sa magkasintahan ang pagmamahalan kung wala namang tiwala sa isa’t-isa. Ngunit natutunan ko rin ang labis na pagtitiwala ay nakakasama. Sumobra ang pagtitiwala ni Hector sa kanyang kaibigan
VI. Bisang Pangka-asalan
VII. Bisang Pangdamdamin
VIII.Rekomendasyon